Mga Post

Ang aking Ina (character sketch)

Isa siya sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Siya ang nag alaga at nagpalaki sa akin simula noong bata pa lamang ako. Iniluwal niya ako sa loob 9 na buwan, tiniis ang sakit upang masaksihan ko lang ang kagandahan ng mundo. Siya ang nagpabago ng buhay ko sa maraming paraan. Siya ay ang aking mapagmahal na ina. Sa lahat ng tao sa mundo, sa aking paningin siya lang ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Panginoon sa akin. Siya ang pinakamagandang babae na aking nakilala. Mapupulang labi, makinis na balat at mga mahahabang pilik-mata. Bukod sa kanyang pisikal na anyo, ako ay napabilib sa kanyang kasipagan. Ginagawa niya ang lahat ng nakabubuti sa aming magkakapatid. Gumagawa siya ng mga bagay na mahihirap para lang makatulong sa pamilya. Hinahangaan ko ang kanyang pagkatao.  Mabait siya sa lahat ng tao na nakapaligid sa kanya. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin at sinusuportahan ang aking mga kagustuhan. Isa siyang mapagmahal na ina. Hindi man siya perpektong nanay,oo...

Alamat ng Orasan

                               Noong unang panahon sa bario ng tungao,  may isang babaeng nagngangalang Rosan. Siya ay isang tamad na bata. Hindi siya marunong mamahala ng kanyang oras. Tuwing may proyekto sila,  ginagawa niya lamang ito bago ang tinakdang araw ng pagpasa.                                 Patuloy itong ginginawa ni Rosan hanggang isang araw, napansin ito ng guro nilang isa palang diwata. Dahil sa kanyang nasaksihan, gusto niyang bigyan ng leksyon si Rosan. "Ngayon bibigyan ko kayo ng labindalawang gawain na dapat niyong matapos bukas bago lumubog ang araw. Pag hindi niyo ito matatapos sa takdang oras, meron kayong haharaping parusa na iyong pagsisisihan."                                   Malinaw na ipinaliwanag ng...