Alamat ng Orasan
Noong unang panahon sa bario ng tungao, may isang babaeng nagngangalang Rosan. Siya ay isang tamad na bata. Hindi siya marunong mamahala ng kanyang oras. Tuwing may proyekto sila, ginagawa niya lamang ito bago ang tinakdang araw ng pagpasa.
Patuloy itong ginginawa ni Rosan hanggang isang araw, napansin ito ng guro nilang isa palang diwata. Dahil sa kanyang nasaksihan, gusto niyang bigyan ng leksyon si Rosan.
"Ngayon bibigyan ko kayo ng labindalawang gawain na dapat niyong matapos bukas bago lumubog ang araw. Pag hindi niyo ito matatapos sa takdang oras, meron kayong haharaping parusa na iyong pagsisisihan."
Malinaw na ipinaliwanag ng guro ang kanilang gawain. At dahil doon, kinabahan ang mga mag-aaral at agad na sinimulan ang gawain. Habang si Rosan ay kalma lang at parang walang pakialam sa ibinigay ng guro.
Buong araw wala siyang ginawa kundi maglaro ng maglaro.
Kinabukasan noong palubog na ang araw, hindi pa rin ginawa ni Rosan ang kanilang gawain. Inuna niya ang kanyang paglalaro. Pagpasok niya sa kanyang silid, may lumutang na isang nakakasilaw na liwanag na siyang dahilan kung bakit malakas na nauntog sa kanyang kama si Rosan. Nagulat siya sa kanyang nakita.
"Mahal kong guro, bakit po kayo andito? Paano po kayo nakarating dito? "
"Di ko na kailangan magpaliwanag. Dahil sa iyong katamadan at hindi ka marunong mamahala sa iyong oras, parurusahan kita. Ibubura kita sa memorya ng lahat ng taong nakilala mo at maglalaho ka sa mundong ito habang buhay. "
Natakot si Rosan sa sinabi ng guro kaya mabilis siyang tumakbo palabas ngunit huli na ang lahat. Bigla na lang nag laho si Rosan. Sa may bandang pintuan, merong bilog na bagay na may labindalawang numero at may tatlong kamay na manipis, mataas, at maikli. Tinago ito ng guro at iningatan niya ito.
Sa huli, ipinakita niya ang bilog na bagay sa klase at tinawag niya itong "orasan". Ngayon, ginagamit natin ito upang malaman natin kung anong oras na.

👏 v good ate
TumugonBurahinThank you po
Burahin